Tuesday, October 27, 2009

Badtrip daw ang COMELEC ang haba ng pila

Ito ay para sa mga taong nagagalit sa COMELEC dahil sa haba ng pila para sa mga nagnanais magrehistro para bumoto sa paparating na eleksyon sa susunod na taon.

Mga TANGA kayo. Binigyan na nga kayo ng kaukulang oras, halos isang taong, para magpunta sa mga opisina ng COMELEC at hindi niyo pa ginawa. Ang COMELEC ay naglalabas na ng mga komersyal sa TV, radyo, sa mga pahayaganat tabloid, at mga poster sa mga estasyon ng tren para lang maipaalala sa inyo na pwedeng magrehistro. Kahit ang bulag ay maririnig ito, ang mga hindi marunong bumasa ay mapapanood ito pero ang mga tamad ay hindi ito papansinin at dapat lang pumila ng kasama ng iba pang tulad niyang hindi nakaparehistro dahil sa katangahan.

Kaya wag niyong sisisihin ang COMELEC kung baket parang may rebolusyon nanaman sa ESDA sa dami ng taong nakapila sa mga opisina ng COMELEC. Wag kayong mapipikon kung baket ang bagal ng pagasikaso sa mga dokumento ninyo, at wag kayong magwawala kung hindi tanggapin ang mga dokumentong ninyong mali-mali pagkatapos ninyong pumila.

Pero kung gusto ninyong magwala at mambato ng kung ano man, gawin ninyo para mas lalong hindi na kayo makarehistro, mabuti na yung ganon dahil hindi kailangan ng bansa ng mga inutil katulad ninyo.

Kung nais ninyong mabago ang sistema ng bansa, mainam na magsimula muna sa sarili. Ang katangahan ay hindi kapansanan.