Monday, November 16, 2009

Mga Gustong Magkapwesto

Ang gulo ng pulitika sa Pilipinas ngayon (kelan ba hindi pero eto ibang klase na ito), kung sino-sino na lamang ang nagaasam na tumakbo para sa matataas na pwesto sa gobyerno, at para lamang makatakbo ay kung kani-kanino nalang sila dumidikit. Hindi lang ang mga personalidad ang malabo, pati na rin mga partido. Sa ibang bansa ay ang mga partido ay may nakatatag nang idolohiya at mga habang buhay na miyembro, halimbawa, nalang ang mga partidong conserbatibo and socialista or partido ng mga mangagawa sa Europe. at ang Democrats and Republicans sa US. Ang mga miyembro nito ay habang buhay nang kasali sa partido, at walang lumilipat. Dito sa Pilipinas alam nating iba ang usapan pag eleksyon.

Isa sa mga nais kong gamiting halimbawa ng mga makukulay na personalidad sa bansa ay ang dating Kalihim ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (Department of Public Works and Highways) na si Jun Ebdane na nais tumakbo bilang presidente sa ilalim ng Philippine Labour and Peasant Party (PLPP). Tinanong nga ako ng kaibigan ko kung kelan ba, bilang isang Heneral sa pulisya at Kalihim ng DPWH, naranasan ni Ginoong Ebdane ang pinagdadaanan ng mga trabahador at magsasaka.

Sa tingin ko eh madalas naman makita ng dating kalihim ang kanyang mga kinakatawanan, yun nga lang eh nasa magkabilang dulo sila ng mga kilos protesta. Bilang Heneral sa PNP ay siguradong marami nang natulungang mga trabahador at magsasaka si Ebdane, biruin mo, ang tagal mong naglalakad, sumisigaw at kumakanta kaya malaking tulong ang water cannon para mapawi ang init at uhaw ng mga ito. Dahil dito ay dapat nga sigurong iboto ng mga aktibista si Ebdane.

Ngayon ay si Edu Manzano naman ay tatakbo bilang bise presidente ni Secretary Gilbert Teodoro. May karanasan na raw kasi si Manzano sa pagsisilbi sa taong bayan bilang vice mayor ng Makati at bilang Chairman ang Optical Media Board (OMB), sigurado akong sapat na ito upuan iboto siya ng taong bayan bilang posibleng pumalit sa presidente ng Pilipinas.

Hindi ko alam kung ano talaga ang nagawa niya para sa Makati pero dahil hindi ako tagaroon, pero ang alam ko ay bilang Chairman ng OMB ay nasugpo niya LAHAT ng mga nagbebenta ng mga pekeng DVD and kung ano ano pang pirated software. Teka, lang, eh baket ang dali pa rin makabili ng pirated na DVDs sa Maynila? Ahhh baka kasi nagkakasabay yung taping ng Game KNB? sa oras ng mga raid, kaya kelangang i-resked ito. Pero seryoso lang, sa tingin ko ay ang tunay na serbisyo niya sa OMB ay ang hindi niya pag huli sa mga illegal vendors ng DVDs, kasi ang mahal ng original, pucha! Salamt Edu!

Hangat pumapayag ang mga Pilipino na mahalal ang taong tumabo lamang dahil sa personalidad (kung tumakbo si Willie at nanalo, wala na tayong pagasa talaga) at hindi dahil sa plataporma, habang hinahayaan nila na bumalimbing ang mga pulitiko ay malabong titino ang mga ito. Pero kung gusto niyo ng ganito, isipin niyo nalang kung ano ang mangyayari sa bansang na pinamumunuan nila Ebdane at Manzano. Pilipinas, Game Knb???


No comments:

Post a Comment